DRIVER NAKAIDLIP, JEEPNEY SUMALPOK SA POSTE

CAVITE – Pinapanagot sa driver ng isang pampasaherong jeepney ang pagkakasugat ng ilan nitong pasahero at pagkasira ng dalawang sasakyan na nakaparada sa lugar nang bumangga ito sa poste ng ilaw at sa nabanggit na mga sasakyan sa Gen. Trias City noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa City of General Trias Doctors and Medical Center ang ‘di pa pinangalanang mga pasahero, dahil sa mga sugat sa kanilang katawan. Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na si alyas “Juan”, 43, ng Brgy. San Antonio, Cavite City. Ayon sa…

Read More

LOOSE FIREARMS AT PAMPASABOG, ISINUKO SA MILITAR

SULTAN KUDARAT – Iba’t ibang uri ng mga kagamitang pandigma ang boluntaryong isinuko ng mga residente sa tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion, Philippine Army sa Barangay Kapaya, Bagumbayan, sa lalawigan noong Biyernes. Ayon kay Lt. Col. Tristan Ray P. Vallescas, Commanding Officer ng 7IB, umabot sa labing-isang high-powered firearms, dalawampu’t pitong low-powered firearms, at sampung high explosive ordnance ang kusang-loob na isinuko ng mga residente sa kanilang himpilan. “Ang boluntaryong pagsuko ng mga armas ay patunay ng tiwala ng mamamayan sa kasundaluhan at bahagi ng mas pinaigting nating suporta…

Read More

U.S. MAGLALAAN NG $2.5-B SECURITY ASSISTANCE PARA SA PILIPINAS

PINAGTIBAY ng mga mambabatas sa United States ang batas na maglalaan ng $2.5 bilyon na security assistance sa Pilipinas. Ang Philippines Enhanced Resilience Act (PERA Act), na inihain nina Senators Bill Hagerty at Tim Kaine, ay inaantabayanan na malagdaan ni Pangulong Donald Trump. Sakaling tuluyan itong maging batas at mapagtibay, magbibigay ito ng hanggang $500 milyon kada taon mula 2026 hanggang 2030, bilang Foreign Military Financing (FMF) grant assistance, na aabot sa kabuuang $2.5 bilyon sa loob ng limang taon. Pakay ng nasabing batas na mapalakas at modernisahin ang kakayahan…

Read More

16 PULIS SINIBAK SA INUMAN SA PRESINTO

KINUMPIRMA ni Region 8 Public Information Office chief, Police Lt. Col. Analiza Catilago-Armeza na sinibak sa pwesto ang 16 pulis mula sa Dolores, Eastern Samar Police Station. Sa isinagawang phone interview ng mga reporter sa Camp Crame, 16 na pulis ang sinibak kabilang ang kanilang hepe, na may ranggong Police Captain, matapos na mag-inuman sa loob ng presinto noong Disyembre 15. Ayon kay Armeza, Christmas Party ng mga pulis noong Disyembre 15 at nagkaroon ng inuman habang naka-duty at napag-alaman na naroon din mismo ang kanilang hepe. Sa ngayon, nasa…

Read More

5 TULAK ARESTADO SA P.4-M SHABU SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) at street level individuals (SLIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Hawak ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Amo”, “Sherry”, kapwa nasa listahan ng HVIs; alyas “Joel”, “Nervin” at “Carla”, pawang nasa listahan ng SLIs. Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial…

Read More

WALANG SAPLOT NA BANGKAY NG DALAGITA NATAGPUAN SA CREEK SA BATANGAS

BATANGAS – Bumungad sa isang ama ang pinakamasakit na tanawin sa kanyang buhay nang matagpuan ang bangkay ng kanyang dalagitang anak sa isang creek sa Barangay Maugat, sa Tanauan City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Tanauan City Police Station, bandang alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng ama ang walang buhay at walang saplot na katawan ng biktima matapos ang magdamag na paghahanap, nang hindi makauwi ang anak mula noong Martes ng gabi, Disyembre 16. Agad namang ini-report ng tiyahin ng biktima ang insidente sa pulisya bandang…

Read More

IMBAKAN NG MGA ARMAS NADISKUBRE NG PNP AT AFP SA CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE – Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang matataas na kalibre ng baril sa isinagawang intelligence driven operation sa Brgy. Exciban, sa bayan ng Labo sa lalawigan. Nakuha sa lugar ang 15 units ng M16A1 rifle, 1 unit ng M14 rifle, 2 pirasong M653, 1 unit ng shotgun, at 3 piraso ng improvised explosive devices. Ayon kay PNP Acting Chief, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kasabay ng paghahanda ng mga kasong kriminal laban…

Read More

NSC AT AFP PINAKAKALMA ISYU SA BONDI BEACH SHOOTING

PINAKAKALMA ng National Security Council (NSC) at maging ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippines ang pangamba sa seguridad matapos kumpirmahin na nanatili sa Pilipinas nang halos isang buwan ang mag-amang gunmen na nasa likod ng mass shooting sa Bondi Beach sa Sydney, bago lumipad patungong Australia. “The Philippines strongly rejects the sweeping and misleading insinuations that the 2 gunmen who went on a killing spree in Bondi Beach earlier this week had traveled to the Philippines to train with groups linked to the Islamic State of Iraq and…

Read More

P49-M NA JACKPOT SA LOTTO 6/42 NASOLO NG RIZALEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang residente ng Rizal matapos mahulaan ang winning combination ng Lotto 6/42. Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng maswerteng mananaya ang kumbinasyon na 15-19-24-41-42-04, na nagkakahalaga ng P48,195,100.40. Nabili ang tiket sa isang outlet sa Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal. Nasa 81 indibidwal naman ang makakatanggap ng tig-P24,000 matapos makakuha ng limang tamang numero. Ang Lotto 6/42 ay nagkakaroon ng draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. (TOTO NABAJA) 197

Read More