BLINANGKO ng San Beda ang Letran, 13-0 sa 95th NCAA men’s football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium. Umatake si Rosi Sumudivila sa 11th, 38th at 54th minute para sa Red Booters na nakatuon sa paghablot ng kanilang ika-22 titulo. Habang umiskor si reigning MVP Jessie Semblante (15th, 66th minute), magkasunod na goal ang sinipa ni Kenneth Payosalan (56th, 59th) at si Maurice Humol (90th) ay umiskor sa second half stoppage. Nagsumite rin ng goal sina Christopher Villanueva (first half stoppage time), Keith Edulan (51st), Miguel Pasion (58th) at Reinhard…
Read MoreCategory: SPORTS
GINEBRA, 2019 GOVERNOR’S CUP KINGS
GAYA nang inaasahan, hindi na pinahaba ng Barangay Ginebra ang serye kontra Meralco Bolts at kinuha ang Governor’s Cup crown, 105-93, Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena. Ito ang ika-12 overall titles ng Gin Kings at ikatlo sa Governors’ Cup sa loob ng apat na taon para kay Jus-tin Brownlee. At lahat nang ito’y laban sa Meralco ni coach Norman Black. Nagsumite si Brownlee ng 24 points, 10 assists at 7 rebounds, habang si Stanley Pringle ay nagdagdag ng 17 points at 8 assists sa kanyang kauna-unahang PBA…
Read MorePINOY RIDER, PAPADYAK PARA SA CHINESE TEAM
PAPADYAK para sa isang Chinese team ang Philippine cycling member na si Dominic Perez. Ang 25-anyos na si Perez ay kinuha ng Team SSIOS Miogee, isang Chinese Continental Team. Dahil walang representative ang Pilipinas sa 25ht edtion ng Le Tour de Langkawi na gaganapin sa Malaysia, nagpasya si Perez na tanggapin ang alok ng Miogee. Kabilang sa mga makakasama niya sa nasabing team sina Le Tour de Filipinas champion Jeroen Meijers, isa pang Dutch na si Andre Looij, Georgious Bouglas ng Greece, Fabricio Ferrari ng Uruguay at Edgar Nieto ng…
Read MoreBLU GIRLS ANGAT SA WORLD RANKINGS
UMAKYAT ang Philippine Blu Girls sa world rankings sa pagpasok ng 2020. Nakalikom ang national women’s softball team ng 2,110 points at umakyat ng dalawang pwesto – – no. 11 mula sa dating no. 13 spot. Sa nakaraang 30th SEA Games, inangkin ng Blu Girls ang ikasampung sunod nitong gold medal na nagkaloob sa kanila ng 30 puntos. Naging malaking ambag sa ranking points ang 4th place finish ng Pilipinas sa Asian Women’s Softball Championship 2019. Nakakuha ang youth team ng 55 points sa 4th place finish sa 2019 Under-17…
Read MoreBICOL VOLCANOES PINATAHIMIK
PINIGIL ng Bataan Risers ang paulit-ulit na pag-aalburoto ng Bicol Volcanoes para itala ang 76-72 win at panatilihin ang tsansang tumapos sa top four ng elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Miyerkules sa People’s Center sa Balanga, Bataan. Sa huling 26 segundo, humabol pa ang Volcanoes, 72-74, pero nagpakatatag ang Risers at nagdagdag ng puntos nang ma-split nina Archie Ingo at Ryan Batino ang kanilang charities at angkinin ang ikatlong sunod nitong panalo tungo sa 17-9 win-loss card sa North division. Tumapos si Batino na may 18 points at…
Read MoreIKA-12 TITULO SA PBA IUUWI NG GINEBRA
TAPUSIN ang serye at iuwi ang ika-12 pangkalahatang titulo ang target ng Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts sa Game 5 ng 2019 PBa Govenror’s Cup Finals sa MOA Arena. Kung mananalo ngayong alas-7 ng gabi ay ito na ang magiging ika-apat na third conference crown ng Gin Kings. Mismong si Ginebra veteran guard LA Tenorio ang nagsabing tatapusin na nila ang serye matapos itala ang 3-1 abante noong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Sinabi ni Tenorio na iaalay niya ang kampeonato sa mga kababayang nasalanta ng pagsabog ng bulking Taal sa…
Read MoreJRU, AU PANALO
PINANGUNAHAN ni Dolly Verzosa ang five-set win ng Jose Rizal University laban sa San Sebastian College, 25-22, 19-25, 25-21, 21-25, 15-8 sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa Arena sa San Juan City. Habang naitala naman ng defending champion Arellano University Lady Chiefs ang ikalawang sunod na panalo laban sa Mapua, 25-13, 25-20, 25-12. Inakay ni Verzosa ang Lady Bombers para bumawi mula sa 1-2 match deficit nang kumamada ng anim mula sa kanyang 21 points sa fifth set tungo sa unang panalo ng koponan. Si Verzosa, nasa…
Read MoreCHOOKS 3X3 PLAYERS INISNAB NG SBP
MASAMA ang loob ni Bounty Agro Ventures Inc. at Chooks-to-Go Pilipinas president Ronald Mascariñas sa Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa pag-etsapwera sa mga player ng una sa 2020 Fiba 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Marso sa New Delhi, India. Pakiramdam ni Mascariñas, binalewala ng SBP ang lahat ng mga pagsisikap ng Chooks-to-Go Pilipinas para mapaangat ang kalidad at makatuntong ang bansa sa pinakamataas na antas sa 3×3 basketball patungo sa Olympic Qualifying Tournament. “Balewala na parang batang kalye at ulilang-ulila noon ang 3×3 noong lumapit kami para matulungan na…
Read MoreCERES NEGROS FC PASOK SA ROUND 2
SWAK ang Ceres Negros FC sa susunod na round ng 2020 AFC Champions League qualifying playoffs matapos talunin ang Shan United FC, 3-2, Martes ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium. Umabante ang Busmen sa preliminary round two ng playoffs kasunod ng paggapi sa koponan mula sa Myanmar. Susunod na haharapin ng Ceres ang Port mula sa Thailand at nangangailangan ng dalawa pang panalo para makakuha ng pwesto sa group stage. Umiskor si Robert Lopez sa fifth minute at sinundan ni Spanish striker Bienvenido Maranon tungo sa 2-0 lead ng…
Read More