PAGKAKATAONG PUMILI NG MGA KARAPAT-DAPAT NA LIDER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NARITO na naman ang panibagong pagkakataon nating mga Pilipino para tugunan ang ating tungkuling pumili ng mga lider na maglilingkod sa bayan at magdadala ng positibong pagbabago sa ating lipunan. Tutok na tutok ang mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at pati na rin ang mga volunteer para sa mga paghahanda na magsisigurong magkakaroon ng maayos at payapang eleksyon. Halimbawa na lang itong sektor ng enerhiya kabilang ang Department of Energy at Meralco na walang patid sa paglalahad ng kahandaan para masigurong mayroong maayos na…

Read More

MAAYOS AT MAAASAHANG SERBISYO NG KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGULANTANG ang mga nasa España at Portugal kamakailan pagkatapos magkaroon ng matinding blackout sa Iberian Peninsula. Sa loob ng ilang segundo, bumagsak sa 10.5 gigawatts (GW) ang suplay ng kuryente mula sa 32 GW. Milyun-milyon ang naapektuhan nito dahil bukod sa kawalan ng ilaw, naantala rin ang transportasyon, at ang iba pang mga serbisyo kagaya ng telecommunications. Kung sakaling natuloy ako sa aking biyahe, naranasan ko rin sana ang pangyayaring ito dahil ang mga kaibigan kong nasa Porto — isang siyudad sa Portugal, nagulat din…

Read More

PAGBUBUKAS NG SIMBAHAN PARA SA LAHAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO BILANG isang bansa na napakaraming Katoliko, hindi na nakagugulat na marami ang naapektuhan sa pagpanaw ni Pope Francis kamakailan. Kaya nga noong bumisita siya sa bansa noong 2015, talaga namang napakaraming Pilipino — hindi lamang mga Katoliko — ang tumutok, nagbantay, nag-abang, at umasang makasisilay sa kanya. Itinalaga bilang Santo Papa noong 2013, namuno sa loob ng 12 taon si Pope Francis at nagbigay ng panibagong mukha sa Simbahang Katoliko dahil sa kanyang kababaang loob at pagiging bukas sa kahit na sinong tao. Para sa…

Read More

MARAMING BENEPISYO PARA SA MGA KONSYUMER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PINIRMAHAN na ni Presidente Bongbong Marcos ang batas na nagbibigay ng panibagong 25 years na prangkisa sa Meralco – isang hakbang na magsisigurong tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente ng kumpanya sa mga paparating na taon. Bagama’t magandang balita ito dahil hindi nabalot ng pulitika ang naturang prangkisa, marami pa rin ang tila may mga haka-haka ukol sa pagre-renew ng prangkisa ng Meralco. Ganoon naman talaga dahil alam nating lahat na napakahalaga ng maayos na serbisyo ng kuryente – dahil halos lahat…

Read More

SERBISYO PUBLIKO NGAYONG SEMANA SANTA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGSISIMULA na ang pagdumog ng mga biyahero kaya todo kayod na rin ang mga nagbibigay ng serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan at masiguro ang ligtas at maayos na paggunita ng Semana Santa. Malaki ang tulong ng mga inisyatiba ng mga miyembro ng iba’t ibang sektor ng lipunan kapag ganitong panahon kagaya ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) na namamahala sa maraming expressway sa bansa. Dahil sa inaasahang nasa 10 porsyentong pagtaas ng volume ng trapiko, bumuo ang MPTC ng isang komprehensibong plano para sa…

Read More

PAGGAMIT SA SOCIAL MEDIA PARA SA MABUTING PAGBABAGO

 THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI naman na bago na madaling kumalat ang mga istorya sa social media, at madalas, mga negatibo o hindi magagandang pangyayari ang nagte-trending. Parang dumarami pa nga ito. Nariyan ang hindi matapos-tapos na mga insidente ng karahasan sa mga hayop na talaga namang pumupukaw sa atensyon at emosyon ng mga tao. Tapos nagkaroon pa ng sunod-sunod na road rage incidents, na itong isa nga kamakailan umabot sa pagpapaputok ng baril na kalaunan, nagdulot ng pagkamatay ng isa sa mga tinamaan. Mayroon ding mga usaping may…

Read More

PAGHAHANDA SA ‘THE BIG ONE’

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Nakababahala ang tumamang lindol sa Myanmar nitong nakaraang linggo, na yumanig din sa mga karatig bansa kagaya ng Thailand at Vietnam, at ilang bahagi ng India, China, Cambodia at Laos. Base sa mga balita, mahigit 150 na ang naitalang patay at inaasahang tataas pa ito sa pagpapatuloy ng mga rescue operation. Malawakang pinsala rin ang dinulot nito sa Bangkok – kung saan bumagsak din ang itinatayong skyscraper at pinangangambahang mayroon pang nasa 100 kataong na-trap dito. Kasama rin sa giniba ng lindol ang Ava Bridge…

Read More

PRODUKTIBONG DISKUSYON SA MGA USAPIN SA KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa pinakamahalagang mga isyu ang presyo ng mga produkto at serbisyo dahil nakaaapekto ito sa budget ng mga pamilyang Pilipino. Tuwing mayroong balita hinggil sa pagtaas ng presyo – lalo na sa pangunahing mga bilihin kagaya ng bigas, o kaya sa pamasahe, talaga namang lahat ay naaapektuhan. Isa pa sa madalas mapag-usapan ay ang gastos sa kuryente, kaya nga marami ang nakabantay sa paggalaw ng presyo nito. Bagama’t nababalitaan naman natin kung magkano ang nagiging paggalaw nito at nagkakaroon tayo ng ideya kung bakit,…

Read More

PAGKAKAPANTAY-PANTAY SA LIPUNAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NGAYONG buwan ng Marso ipinagdiriwang ang International Women’s Month kung kailan mas napagtutuunan ng pansin ang mga kampanya at programa na nagbibigay ng natatanging pagpapahalaga sa lakas, tapang at galing ng kababaihan, at nagsusulong ng totoong pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Isa sa United Nations Sustainable Development Goals o UN SDGs ang pagkamit ng gender equality at pag-empower sa kababaihan. Sa ilalim nito, mayroon pang siyam na target at 14 na mga indicator na nakatutok sa pagtanggal ng gender disparity, pagmamalupit sa mga kababaihan, at sa…

Read More