DUMULOG na sa Manila Police District- General Assignment Investigation Section ang pamilya ng nawawalang 59-anyos na Catholic school teacher sa Malate, Manila.
Iniulat ni Christopher Perez ang pagkawala ng kapatid na si Ferdie Rubio, nagtuturo sa Malate Catholic School.
Nag-aalala ang pamilya dahil tatlong araw na umano mula nang umalis ng bahay ang guro ngunit hindi na bumalik.
Salaysay ni Perez, Pebrero 20, nang bisitahin siya ng biktima sa Caloocan City ngunit pagkatapos noon ay hindi na umano ito nakita.
Tinatawagan ng pansin ang sinomang nakakita o nakaaalam sa kinaroroonan ni Teacher Ferdie na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang anomang impormasyon hinggil dito. (RENE CRISOSTOMO)
317 