PARA sa Malakanyang, tsismis lang ang balita na ang panibagong pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) ay gagamitin lamang para i-extend ang termino ng mga opisyal lalo na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Wala pong katuturan iyang mga tsismis na iyan. Tsimis lang po iyan. The President has made it clear, wala siyang kahit anong kagustuhan na manatili na kahit isang minuto man lang beyond his term of office on June 30 of 2022,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Pinanindigan ni Sec. Roque na nananatiling top priority ng administrasyong Duterte ang COVID-19 response at ang pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan.
Ito’y dahil sa muling paghahain ng resolusyon na mag-convene ang 18th Congress bilang Constituent Assembly para amyendahan ang ilang economic provision sa Konstitusyon o ang pagsasagawa ng Charter Change (Cha-Cha).
Ani Sec. Roque, bagamat nirerespeto ng Malakanyang ang hakbang na ito ay nanindigan ito na sole constitutional prerogative ng Kongreso. (CHRISTIAN DALE)
