Matapos makakuha ng lagpas sa 31 milyong boto ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa nakaraang halalan, nananawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na magkaisa na ang Pilipinas at samantalahin ang pagkakataon na lumagoang ekonomiya. “Millions of Filipinos, united behind one leader, can do wonders for this country and bring prosperity for all,” ani Concepcion.
Si Bongbong Marcos ay ang unang kandidato sapagkapangulo na nakalikom ng majority ng mga botosimula pa noong panahon ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr. Lagpas na sa 31 milyon ang mga boto para kayMarcos Jr., ayon sa partial unofficial count ng Commission on Elections transparency server; ito ay halos doble ng botokay Pangulong Rodrigo Duterte nuong 2016.
“Makasaysayan ang ibinigay na mandato. Ito ay natatanging pagkakataon na magtagumpay na ang mgareporma sa ekonomiya, ngayong ang mamamayan at angkongreso ay nagkakaisa sa likod ng iisang pamunuan,” aniConcepcion.
Aniya, mahalaga ito lalo na sa mga MSME, na bumubuo sa99.5 porsyento ng mga negosyo sa bansa at nagbibigay nghalos 60 porsyento ng trabaho sa Pilipinas.
“Marami sa ating mga kababayan ang kapuspalad at patuloy na walang kumakatawan. Para sa kanila, angpagnenegosyo ay paraan para makaahon sa kahirapan. Sa pagnenegosyo, ang kasipagan, pagkamalikhain, at katapangan ay sapat na para umunlad at maiangat angkanilang estado sa buhay. Dito, patas lang ang larangan;katulad ng halalan, kung saan ang boto ng mahirap ay kasinghalaga ng boto ng mayaman,” sabi ni Concepcion. Sa kaniyang palagay, marami sa mga MSME angnaniniwalang matutulungan sila ni Bongbong Marcos.
Nang makapanayam si Marcos sa Kandidatalks show ngGo Negosyo ilang linggo bago ang halalan, sinabi niya naang mga MSME ay malaki ang impact sa lipunan, dahilanumang tulong sa kanila ay agad mararamdaman magingng malalaking korporasyon. Aniya, maraming Pilipino anghandang magtrabaho at maging entrepreneur, ngunitkakailanganin nila ng tulong.
Kinilala rin ni Marcos kung paano makatutulong ang mgaorganisasyon tulad ng Go Negosyo sa paggabay sa mgamaliliit na negosyante, at kung paano mailalaan nggobyerno ang bahagi ng Internal Revenue Allotment parasa MSMEs. Sinabi niya na ang pag-buwis sa maliliit nanegosyante ay dapat na makatwiran, at naniniwala siya nakung susuportahan ng pautang, R&D at infrastructure angmga magsasaka, ay lubusang makakatulong ang agrikulturasa industriyalisasyon ng bansa. Nangako rin siya naipagpapatuloy ang Build Build Build program ni PangulongDuterte, at palalawigin pa ito sa information at power infrastructure.
Inamin ni Concepcion na marami ang naging emosyonal sanakaraang halalan. “Naiintindihan ko na emosyonal angilan sa atin, ngunit hindi tayo dapat magkawatakwatak,” sabi niya. Ipinaliwanag niya na maraming problemangkinakaharap ang lahat ng mga bansa ngayon, kabilang naang Covid at ang giyera sa Ukraine.
“Kahit saan walang nakakatiyak kung ano ang mangyayari. Ano pa man ang ating pananaw sa nakaraang halalan, dapatna tayong magkaisa, suportahan ang gobyernong ito at sumulong. Ito ang hiling ng mahigit 31 milyong Pilipino at dapat nating pakinggan. Ito ang responsableng gawainbilang isang mamamayan,” aniya.
“Kapag nabigo tayong magkaisa at tumanggi tayongmakilahok, tayo mismo ang sasabotahe ang ating sarilingpag-unlad at lilikha ng negatibong pananaw sa bansa. This never looks good to investors,” sabi ni Concepcion.
Ibinahagi ni Concepcion na ang kaniyang sariling pamilyaat ang mga Marcos ay minsan nang nag-krus ang landas. “Naniniwala ako na itong panahong ito ay isangpagkakataon para sa aming henerasyon na masubukan kung paano magtulungan,” sabi niya.
Ang ama ni Concepcion, ang industrialist na si Jose “Joecon” Concepcion Jr., ay isang political detainee noongMartial Law, at naging advocate ng malaya at tapat nahalalan sa pamamagitan ng pagtatatag ng election watchdog na NAMFREL noong 1986 snap elections.
“Alam niya na para umusad ang pasulong ay dapat natumutok sa pagtatrabaho,” sabi niya. Si Joecon ay nagpatuloy sa pamumuno sa isa sa pinakamalakingconglomerates ng bansa sa panahon ng administrasyongMarcos, at kalaunan ay nagsilbi sa gobyerno pagkalipas ngilang taon.
“Ang mga kababayan natin na nasa kabilang kampo, naniniwala ako na may maiaambag sila. Para maging tunayang pagkakaisa, dapat kasama ang lahat,” aniya. “Kung silaang nanalo sa halalan, gugustuhin din nila na magkaisa at magkasundo ang bansa.”
Sinabi ni Concepcion na ang mayoryang boto ay boses ngmga mahihirap at mga walang kumakatawan. “Hindi tuladnoon, mayroon na ngayong social media kung saan ay malayang naipapahiwatig ang mga saloobin ng merongaccess dito. Ngunit kailangan din nating makinig sa mgatunay na nasa gilid ng lipunan. That’s democracy,” sabiniya.
“Para sa marami sa ating mga kababayan, sa eleksyon langsila napapakinggan. Wala silang ibang paraan, at ang ilanay halos hindi makapagsulat, mag-online at mag-pahayagsa Facebook,” ani Concepcion.
“Nagsalita na ang mga taoat ipinaalam ang kanilang pasya; tungkulin nating igalangito, at dapat nating hayaan ang bagong Pangulo na gawinang kanyang tungkulin,” ani Concepcion.
235 