CONSTRUCTIVE DISMISSAL GINAWA NI DRILON AT ANGARA

MAITUTURING na isang constructive dismissal ang ginawang pagsingit ng ilang probisyon nina Senador Franklin Drilon at Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara na nagbabawal sa Public Attorney’s Office o PAO sa paggamit sa kanilang (personnel Services) PS at MOOE (maintainance and ­operating and other esxpenses) para sa PAO forensic laboratory.

Sa panayam ko kay dating Congressman na si Atty. Glenn Chong, sinabi nito na ang ginawang pagsingit ng ilang probisyon nina Senador Drilon at Angara na nagbabawal sa PAO sa pagamit sa kanilang (personnel ­Services) PS at Mooe (maintainance and operating and other esxpenses) ay ilegal.

Paliwanag pa ng dating mambabatas na ang naturang mga probisyon na isinigit ni Drilon ay bukod sa ilegal ay maituturing din itong obstruction of justice dahil ang mga kasong ­hinahawakan ng PAO na ang mga tumatayong testigo ay ang kanilang mga forensic doctors ay sinagkaan na ng nasabing probisyon.

At dahil sa naturang singit na probisyon ay i­nalisan na nina Drilon at Angara ng karapatan sa civil service position ang mga duktor ng PAO na mayroong permanent posisyon at ang makapagtestify na rin sa kaso ng dengvaxia vaccine dahil sa pagkawala ng PAO FORENSIC LAB.

Nauna ng pinalagan ng Public Attorney’s Office ang naging katuwiran ni Drilon na kaya niya binawasan ang GAA 2021 ng PAO ay dahil sa ang Forensic Laboratory umano ng PAO ay duplication ng PNP-SOCO at ng NBI Forensic Laboratory.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, kung ang kanilang ­Forensic Lab ay duplication ng SOCO at NBI, ano daw kaya ang tingin ni Sen. Drilon sa Forensic Lab ng Comission on Human Rights o CHR na pinabibigyan pa ni Sen. Drilon ng 300 milyong pondo upang maitayo ang kanilang forensic laboratory.

Panawagan naman ni PAO Chief Acosta kina Drilon at Angara na bawiin na ang kanilang isiningit na probisyon at maging kaagapay sana sa pagpuksa ng mga katiwalian at hindi kaagapay sa pag-usbong ng mga kasamaan.

Batid naman anya nila Drilon at Angara kung ano ang papel ng Public Attorney Office na ang mga kliyente ay ang mga indigent kagaya ng mga biktima ng dengvaxia vaccine.

Kaunay nitoy umapela rin si PAO Chief Acosta kay pangulong duterte na i-veto nito ang kanilang GAA-2021 upang mas lalo pa nilang matutukan ang mga kawawang mga biktima ng pagmamalabis ng Iba.

oOo

Wala pang malinaw na dahilan kun bakit nagpasya ng maagang pagreretiro si Chief Justice Diosdado Peralta.

Ginulat ng punong mahistrado ang mundo ng hudikatura matapos na mapaulat na hindi na nito hihintayin ang pagsapit ng kaniyang mandatory ­retirement age o ang edad na 70 dahil sa Marso ng taong 2021 ay bababa na siya sa kaniyang panunungkulan.

Si Peralta ay hinirang bilang Chief Justice noong Oktubre nang taong 2019.

Sa kaniyang paglisan, isang taon at limang buwan lang ang liderato ni Peralta sa katas-taasang hukuman.

Anoman ang kaniyang dahilan, umaasa tayo na hindi pulitika at lalong hindi ang pressure mula kanino at sa anomang isyu na bumabalot ngayon sa katas-taasang hukuman.

Sa kaniyang maagang pagreretiro sa buwan ng Marso 2022, magkakaroon ng mas malawak at maluwag na pagdedesisyon si Pangulng Rodrigo Duterte kung sino ang ipapalit niya kay Peralta bilang susunod na Chief Justice.

Sa kasalukuyan, ang mayorya ng mga Supreme Court justices ay binubuo na ng mga appointees ni Pangulong Duterte.

Tatlo na lamang mula sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang nakaupo pa sa pwesto. Ito ay sina Associate Justice Estela Perlas – Bernabe, Marvic Leonen at Benjamin Caguioa.

110

Related posts

Leave a Comment