DBM, DOH KINALAMPAG SA SAHOD NG NURSES

KINALAMPAG ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na ipatupad ang kautusan ng Malacanang na ibigay ang karagdagang basic salary pay ng mga government nurse.

Ginawa ni Defensor ang pangangalampag matapos makarating sa kanyang kaalaman na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng mga nurse sa Quezon City ang dagdag na P3,000 sa kanilang sahod.

Ayon sa mambabatas, naglabas ng memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea noong Hunyo 1, 2021 na baliktarin ang demotion ng mga nurses at ibigay ang dagdag nilang sahod.

“Our healthcare workers holding Nurse ll positions should have been receiving an additional P3,000 a month but they are not getting it. We call them heroes of the fight against the COVID-19 pandemic together with other frontline personnel, but that’s just an empty rhetoric,” ani Defensor.

Ayon sa mambabatas, maaaring gamitin ng DBM at DOH ang P29.3-billion compensation adjustment fund sa 2021 national budget para sa salary increase ng mga nurse.

“The DBM should take it upon itself to immediately implement Secretary Medialdea’s directive. It was the DBM in the first place which demoted our nurses last year, including those in local government units (LGUs) throughout the country,” ani Defensor.

Magugunita na na-demote ang mga Nurse II dahil ipinantay sa Nurse I ang kanilang sahod nang ipatupad ang Salary Grade 15 o katumbas ng P33,575 sahod.

Sinabi ng mambabatas na base sa grupo ng mga nurse, malaking porsyento ng government nurses ay binubuo ng Nurse II at sila umano ang pinakadehado.

Dahil dito, naglabas ng circular si Medialdea subalit kapos pa rin umano ng mahigit P3,000 ang tinatanggap na sahod ng mga Nurse II at hindi pa rin ibinibigay ang kanilang backpay kahit may kautusan na ang una.

“With the OP order, all nurse positions were restored, while Nurse ll holders were entitled to SG 16 pay (minimum of P36,628, rising to P39,650 depending on length of service), instead of SG 15,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

373

Related posts

Leave a Comment