DILG at Pitmaster lumagda sa MOA FREE DIALYSIS DADALHIN SA LIBLIB NA LUGAR

HINDI na puproblemahin pa ng mga taong may sakit sa bato na mula sa malalayong probinsiya at mga liblib na barangay kung saan sila kukuha ng pambayad para magpa-dialysis.

Ito ay matapos pumirma sa isang memorandum of agreement ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Pitmaster Foundation Inc. para sa isang kasunduan na ipagbibigay-alam ng DILG sa bawat barangay ang libreng dialysis treatment na handog ng nasabing foundation.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Dir. Caroline Cruz, ” ito po ay commitment ng aming grupo na tumulong sa mga kababayan natin na hindi kayang magpa-dialysis dahil sa kahirapan.”

“It is part of our social responsibility and at the same time our small contribution to the government in helping those who need medical care,” dagdag pa ni Atty. Cruz.

“Kami po ay nagpapasalamat ngayon pa lang sa Pitmaster sa tulong na ito para sa mga kababayan natin na mahihirap,” ayon naman kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Irerekomenda ng local government units ang mga magpapa-dialysis sa pinakamalapit na dialysis center sa kanilang lugar na ka-partner ng Pitmaster. (TJ DELOS REYES)

131

Related posts

Leave a Comment