DRIVE-THRU LABORATORY BINUKSAN SA LAGUNA

BINUKSAN na ang kauna-unahang drive-thru laboratory sa The Medical City sa Sta. Rosa City, Laguna noong Biyernes ng umaga, Setyembre 11, sa pangunguna ni CEO and Pres. Cesar Ramon Espiritu, MD at COO Dr. Jose Enrico Juliano.

Para ito sa mga pasyente na nagnanais na magpakuha ng kanilang blood chemistry, X-Ray at ECG na hindi na kailangan pang pumasok sa loob ng ospital dahil sa takot sa coronavirus disease o COVID-19.

Layunin nito na matugunan ang pangangailangan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga pasyente mula sa mga probinsya ng Laguna, Batangas at Cavite.

Maging RT-PCR at Rapid testing maaari na ring isagawa sa drive-thru laboratory. (CYRILL QUILO)

150

Related posts

Leave a Comment