CAVITE – Bagsak sa kulungan ang isang 46-anyos na lalaki na iniimbestigahan sa kasong estafa sa barangay hall makaraang mahulog mula sa kanyang bulsa ang isang sanchet ng umano’y shabu sa Bacoor City sa lalawigang ito.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Jonas Ramirez ng Bayanan, Bacoor City.
Ayon sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas-3:00 ng hapon noong Sabado, iniimbestigahan sa barangay hall ng Talaba 1 ng lungsod ang suspek dahil sa estafa na inireklamo ng isang Gertudes Lara.
Ngunit dukutin ng suspek mula sa kanyang bulsa ang kanyang ID nang malaglag mula rito ang isang sachet ng umano’y shabu na nagresulta upang siya ay arestuhin. (SIGFRED ADSUARA)
165
