DU30, DELA ROSA IIMBITAHAN SA EJK HEARING SA KAMARA

IIMBITAHAN ng House committee on justice sina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isinagawang pagdinig sa extra judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war-on-drugs.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng komite kahapon, 26 ina, lola at anak ng mga biktima ng EJK ang humarap kung saan madamdaming idinetalye ng mga ito ang karumal-dumal na sinapit umano ng kanilang mga mahal sa buhay sa kamay ng mga pulis.

Unang tinanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang mga abogado ng Rise Up na tumutulong sa mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs kung naniniwala ang mga ito na may kinalaman si Duterte sa madugong war on drugs kung saan basta na lamang umanong pinagpapatay ang mga tao na walang sapat na ebidensya na sangkot ang mga ito sa ilegal na droga.

Sinagot naman ito ng mga kinatawan ng Rise Up at maging ang mga kaanak ng mga biktima ng kahandaan na harapin si Duterte kaya pagdadalhan ito ng imbitasyon kasama si Dela Rosa na unang Chief of Police ng dating Pangulo na siyang nagpatupad ng Oplan Tokhang.

Agad namang nagmosyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas para padalhan ng imbitasyon sina Duterte at Dela Rosa.

“Para po sa pagsagot sa mga isyu na ihinahatag ng mga EJK victims” na sinigundahan naman ni ACT party-list Rep. France Castro.

Inirekomenda din ni Brosas na maging si dating senador Leila de Lima ay imbitahan dahil malawak umano ang nalalaman nito sa operasyon ng Davao Death Squad (DDS) at war on drugs dahil siya ang unang nag-imbestiga sa isyung ito na kalaunan ay naging dahilan para ito sampahan ng umano’y gawa-gawang kaso na kalaunan ay inabswelto ng Korte.

“Much as I want to give courtesy before the former president and the Senator (dela Rosa), because of the gravity of the testimonies of these victims (family) they should face these people and hear their complaint,” ani Abante.

“What I’m saying is, perhaps the former president will look onto own heart and realize what he has done in the past six years so therefore we’re going to invite him to the next hearing,” dagdag pa ng chairman ng nasabing komite. (BERNARD TAGUINOD)

226

Related posts

Leave a Comment