DUTERTE: AKO IKULONG, ‘WAG SI DUQUE

“AKO ang nag-utos, ako ipakulong nila.”

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos kay Health Secretary Francisco Duque III na laktawan ang bidding process sa pagbili ng personal protective equipment (PPE) sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“Ako ang nag-utos kay Duque. Noong nandito kami, ginanun ko ..I want it done immediately.. sabi ko sa kanya it’s not a month, it’s one day, two days ka lang. Ako ang nagsabi sa kanya.. I am sure there is a law which would exempt you from bidding. Madalian ito, pandemic eh,” ang litanya ng pangulo sa kanyang taped national address.

Ang dahilan ni Pangulong Duterte, ang usual bidding process ay umaabot sa 30 araw kung saan sa panahon ng pandemya ay kailangang madaliin ang suplay.  (CHRISTIAN DALE)

162

Related posts

Leave a Comment