JANE DE LEON, NAGING EMOSYUNAL NANG ISUOT ANG COSTUME NI DARNA

AFTER almost years in planning and tapings ng “Darna: The TV Series” na pinagbibidahan ni Jane de Leon,  tila unti-unti na itong nabubuo and any days from now malamang nasa ere na rin ito. Gaganap na Valentina, ang mortal na kaaway ni Darna, si Janelle Salvador. Say nga ni Jane habang nalalapit ang araw ng premiere  ng Darna, grabe raw ang pressure sa byuti niya na itinuturing na normal sa lahat ng mga actor na may katulad na sitwasyon.

Ano naman kaya ang naramdaman ni Jane noong una niyang isuot ang Darna costume after all those trainings and workshops?

“Actually super naging emotional ako noong unang beses ko suotin ang costume from how many years na naghintay mga almost two years siguro ‘yun and now ma-experience ko na talaga ang pagiging Darna,” say ni Jane.

Hindi rin nawawala talaga ang mga minor na aksidente sa paggawa ng mga maaksyong eksena, na inamin naman ng aktres na nangyari rin sa kanya.

“Ilang beses na po ako naaksidente. Sa totoo lang po talaga naospital na rin po ako and dumating sa point kailangan na rin po ako bigyan ng shot ng anti-tetanus.”

Sa mga followers ni Darna out there, sooner than you think muli ninyong matutunghayan ang paglipad ni Darna with Ding as her sidekick. Ilan sa makakasama nina Jane at Janelle ay sina Zaijian Jaranilla as Ding, Iza Calzado, Joshua Garcia, Rio Locsin, Paolo Gumabao, Simon Ibarra at marami pang iba. Sa direksyon ito ng tanyag at mahusay na direktor na si Chito S. Roño.

88

Related posts

Leave a Comment