KC BALIK-BANSA PARA SA DEBUT NG SISTER

HINDI nakasama si KC Concepcion nang magpunta ng South Korea ang kanyang mommy Sharon Cuneta at former Senator Kiko Pangilinan at mga kapatid sa kanyang stepfather.

Pero sa pagdiriwang ng 18th birthday ni Miel Pangilinan ay siniguro ni KC na nasa bansa siya para samahan ang kapatid sa pag-celebrate ng debut.

“Danced the night away to celebrate my sister @mielpangilinan’s 18th birthday!!! 18 is a big year for us Filipinos – of course I flew home for this one cuz I wouldn’t miss this for the world.” Happy happy birthday yelly!!! Ughh what a beautyyy.”

Nauna nang nag-post ng pagbati si Sharon sa anak.

I’m proud of the woman you have become and of the courage you have managed to gather and display to the world. Of course, I will always miss the little girl whose world was her Mama and was always dikit to her, but as long as I know that you love me, all’s alright in my world, no matter what bad thing life has and continue to throw my way every so often.

Samantalang sa panayam kay KC ni MJ Felipe ng TV Patrol ay pinabulaanan ng panganay na anak nina Sharon at Gabby Concepcion na nakarelasyon si Apl,de.ap or Allan Pineda pero inamin na naging close friend sila.

Alam din ni KC nasa tamang edad ( 37 years) na siya para magkapamilya pero hanggang ngayon ay loveless pa rin siya.

Although, she has been in a relationship with different guys in the past, nina Lino Cayetano, Rico Blanco, Piolo Pascual na siyang inakala ng mga nagmamahal kay KC ay siya nang magiging kapartner nito habambuhay.

Tila may kinatatakutan si KC na mag-asawa o ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang mga magulang.

159

Related posts

Leave a Comment