RURU, INAMING SI BIANCA NA ANG ‘THE ONE’

(GERRY OCAMPO)

IPINAGSIGAWAN na ni Ruru Madrid na si Bianca Umali na ang ‘the one’ para sa kanya.

I would say yeah, yes po, ‘walang paligoy-ligoy na sagot ni Ruru nang tanungin siya ni Toni Gonzaga kung si Bianca na ang ‘the one.’

Sabi ni Ruru sa kanyang panayam sa vlog ni Toni na nakita niya kay Bianca ang lahat ng katangiang hanap niya sa isang babae.

‘Simula nu’ng time na parang umabot ako ru’n sa point na pwede na akong magkaroon ng relationship ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuportahan ako nang sobra. Ganun din siya, tanggap din niya ‘yun.

‘And willing siya na mag-take ng risk para lang ipakita niya sa ‘kin or iparamdam kung gaano ako kaimportante sa kanya. So, ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae nasa kanya na,” pahayag ni Ruru.

Ipinaliwanag din ni Ruru kung bakit nila inilihim noong una ang kanilang relasyon.

“It’s hard kasi eh. I mean, parehas kaming galing sa loveteam and it was really hard. Parang lahat ng gawin n’yo binabantayan,

“So, ito na lang ‘yung natitirang bagay sa akin na maki-keep ko sa sarili ko. Yes, ganun siya kasagrado sa akin,” aniya.

Pinag-usapan din sa kanyang panayam ang tungkol sa pagpapa-convert ni Bianca ng relihiyon. Tulad ni Ruru ay isa na rin kasapi ng Iglesia ni Cristo ang young actress.

Pero paglilinaw ni Ruru na hindi siya ang dahilan kaya nagpa-convert si Bianca

“Inaral po muna niya and same rin with me. Kaya parang somehow, hindi ko masabi na just because of me kaya niya ginawa ‘yun,” say ni Ruru na INC na since birth.

Samantalan masaya si Ruru dahil mataas ang rating ng kanyang Lolong sa GMA 7.

216

Related posts

Leave a Comment