MARK PAWALWAL NOON DAHIL SA DEPRESYON

Pag-amin ni Mark Herras sa interbyu ni Kim Atienza sa kanya, nagkaroon daw ng direksyon ang kanyang buhay dahil sa mag-ina niyang sina Nicole at Corky.

Nawalan daw talaga ng direksiyon ang kanyang buhay at hindi iniingatan ang kita dahil sa nangyari.

Aminado ang Kapuso aktor na  nakaranas siya ng depresyon nang magkasunod-sunod na pumanaw ang mga mahal niya sa buhay.

“Namatay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito. Sunod-sunod sila eh. 2011 si lola, 2014 is my dad. After two years my mom, then after six months my tito,” pagbabalik-tanaw ni Mark.

Hindi raw siya nakapag-mourn nang maayos dahil nga sunud sunod ang pagkawala ng mga mahal niya.

Talagang na-depress.raw siya noon dahil sa dagok na dumating sa kanyang buhay.

“Talagang nandoon pa rin ako sa parang… ‘Bahala na, gagawin ko ito.’ Walang direksyon. Na parang, sige magtatrabaho ako, pero ‘yung pera ko, after it, one-day millionaire lang ako na, ‘Wala naman akong pakialam eh, kasi ano pa ang purpose ko sa buhay, ‘di ba?'”

“Kasi before I joined Starstruck, sinasabi ko sa kanila, ‘Bakit ka nag-showbiz?’ ‘Just to help my family.’ Siyempre nandiyan pa rin ‘yung mga pinsan ko, ‘yung mga tita ko. Pero ‘yung mismong pamilya ko na core, wala na. So parang nawalan ako ng direksyon sa buhay, ano pa ang dapat kong gawin?” dagdag pa ng aktor Dumating pa raw siya sa puntong kinuwestiyon ang nasa Itaas, kung ano ba ang plano sa kanya ng Diyos.

“Before, ang lagi kong tinatanong, ‘Why God? Ano po ba ang plano Ninyo sa akin?’ Noong time na ‘yun kinokontra ko Siya, sabi ko ‘Parang mali eh, hindi Nyo dapat kinuha sa akin eh,'”  aniya pa.

Pero nagbago raw.ang lahat nang dumating sa buhay niya ang asawang si Nicole at ang anak nilang si Corky.

“Ang tagal ng turning point. Actually sa totoo lang noong dumating sa akin ‘yung bago kong naging pamilya, si Nicole and si Corky, muling nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko” sey ng Kapuso aktor.

“Ngayon, ito pala ‘yung purpose ko. Para matuto ako sa buhay, to be a responsible dad sa anak ko, to be a better father, a better partner sa wife ko,” ani Mark.
Lahat daw ng kinikita niya ngayon bilang artista ay nilalaan na niya sa kanyang mag-ina.

“Talagang ngayon, every time may ibinibigay sa akin na project o trabaho ang GMA, talagang… ‘Bakit ka nagtatrabaho?’ ‘Para sa pamilya ko, para sa asawa ko, para sa anak ko.’ Kung na-experience ko man na mahirapan sa buhay kahit nag-a-artista ako, ayokong ma-experience nila,” sambit niya.

Si Nicole at Mark ay magpakasal noong Setyembre 8, 2021 sa isang civil wedding.

Ipinanganak naman ni Nicole.si.Corky nito lang January 2022.
Dahil Filipino-American ang misis ni Mark, kamakailan lang ay ini-apply na siya ng ina ng dual citizen sa US embassy na naaprubahan naman agad.

61

Related posts

Leave a Comment