NETIZENS NA-AMAZE SA AKTING NI KATHRYN

HINANGAAN ng netizens ang akting ni Kathryn Bernardo sa teleserye nila ni Daniel Padilla, ang 2 Good 2 Be True at nag-trending ito sa social media.

Sa 61st episode ng series ay na-stroke si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) na agad nakita ni Ali (played by Kathryn).

Bilang isang nurse, agad naagapan ni Ali sa pamamagitan ng fast method si Lolo Hugo na nakatulong sa isang taong na-stroke.

Hinangaan ng netizens ang explanation ni Ali sa kanyang ginagawa lalo na ang pag-deliver niya ng lines with emotions.

Napahanga rin ang netizens sa mga taong behind sa 2 Good 2 Be True dahil napakahusay raw nilang mag-research ng dapat gawin para maagapan ang isang taong na-stroke, at para sa viewers napaka-realistic daw ng eksenang iyon.

Ibinahagi ng netizen na si Olli Luneta sa kanyang Facebook ang eksena tru video clip at agad itong umani ng 58,000 reactions at 30,000 shares.

“Kudos to ABS CBN for doing this scene. Pinag- aralan at hindi basta basta,”ani ng netizen.

“Basta gawang ABS-CBN cguradong de kalidad….de calibre…..” komento pa ng isa.

Na-amaze naman ang netizen sa acting ni Kath.

Aniya sa kanyang Twitter account,”2 Good 2 Be True’s episode 61 the scene where Ali makes the FAST method was elite. I love how ABS-CBN and the production researched for this emergency response Kathniel never fail us. kudos to the cast,”Twitter user named @_wensiee.

“Wala akong masabi bukod sa paano nagawa ni Kathryn ‘yong pag-arte niya habang chini-check ‘yong pag-atake ng stroke kay Lolo nang alerto at nanginginig habang umiiyak, na parang isang tunay na nurse?! ANG GALING,” tweet pa ng may handle @archtKN.

 

106

Related posts

Leave a Comment