REGINE, OPISYAL NANG HOST SA MAGANDANG BUHAY

OPISYAL nang host ng Magandang Buhay si Regine Velasquez.

Pinakilala na siya noong Monday sa programa.

Hindi na bago sa Asia’s Songbird ang mag-host ng MB dahil siya ang naging reliever nu’ng time na tumakbo sa pulitika si Karla Estrada.

Banaag sa mukha ni Regine ang saya na muling makasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

“Actually, kinakabahan ako hindi ko alam. Pang ilang beses ko na rito but for some reason since I am officially going to be part of ‘Magandang Buhay, today I am so nervous. Kabadong-kabado talaga ako hindi ko alam,” ani Regine.

Eksaktong 6 years anniversary ng programa ang pagpasok ng Asia’s Songbird.

“I am very excited. But I am just a little nervous I don’t know why pero siguro kasi kasama ‘yon na siyempre kapag naging host ka there’s a certain responsibility. But I am happy. I am very, very happy to be part finally of Magandang Buhay,'” sey pa ng singer.

Binago na rin ang bersyon ng theme song ng Magandang Buhay na kinanta nina Regine, Melai at Jolina.

Pinasalamatan naman ni Regine si Karla na naging host ng programa.

“Maraming salamat Jols and Mels. Siyempre maraming salamat din sa mga ka-bonding natin ngayon. Thank you for celebrating with us. Gusto rin nating magpasalamat siyempre kay momshie Karla who’s been with Magandang Buhay for six years. She has become part of the show. So thank you very much and happy anniversary to you also.”

160

Related posts

Leave a Comment