VIVIAN,NA-BASH NANG PAGKUMPARAHIN SINA HEART AT MARIS

NA-BASH si Vivian Velez nang pagkumparahin niya ang suot nina Heart Evangelista at Maris Racal na pinost sa kanyang Facebook account.

Heart’s designer outfit in Paris vs ukay-ukay of Maris Racal in NYC.

You don’t have to buy expensive, you just need to look like one hahaha,” say ni Vivian.

Tanong tuloy ng netizen kay Vivian kung ano raw ba ang gustong palabasin sa kanyang post. May galit daw ba siya kay Heart?

Curious naman ang iba kung sino ang pinasasaringan ni Vivian? May sumang-ayon sa comment ni Vivian pero ang dating ay rude pa rin.

May nagpaalala naman kay Vivian na mabibili ni Heart ang kanyang gusto dahil may pera at higit sa lahat ay hindi galing sa nakaw ang kanyang pera. Buwelta nito kay Vivian,”pinakikiala-man ba ni Heart ang wrinkles mo,” na hindi rin maganda ang dating.

May mga sumang-ayon din naman kay Vivian dahil wala raw sa presyo ang suot para maging classy. Mas mukhang mahal at classy ang dating sa suot na ukay-ukay dress ni Maris.

Dahil humaba na ang pagtatalo at napunta na sa ibang isyu, kaya nakapag-comment si Vivian ng, “But some people just don’t get the point. I did hit a nerve…oh well haha.”

Anyway, marami rin ang pumupuna kay Heart sa sobrang dami ng kung anu-ano pinaggagawa sa kanyang mukha. Maganda at bata pa siya kaya hindi na raw dapat kung ano-ano gamitin o ginagawa sa kanyang mukha

Ang ending daw nito ay mas madaling tumanda ang kanyang hitsura dahil bata pa ay kung anu-ano nang pinaggagawa sa kanyang hitsura. Baka raw kapag senior na siya hindi na siya makilala dahil sa sobrang dami ng make-up at anek-anek ang ginagawa niyang pagpapaganda.

123

Related posts

Leave a Comment