UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na huwag maliitin ang ginagawang sakripisyo ng mga doktor, eksperto at government workers na bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang panawagang ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sa harap ng ipinupukol na batikos at mga punang umabot pa sa mungkahing buwagin na ang IATF.
Aniya, nagagawa naman ng IATF ang misyon nito at patunay rito ang mga datos na nagpapakitang higit na mababa ang case fatality rate ng bansa kumpara sa ibang bansa.
Sa katunayan nga aniya, ang ranking ng Pilipinas ay nasa ika-135 sa buong mundo kung pag-uusapan ay cases per one million population habang halos nasa 90% naman ang recovery rate.
“Huwag naman po natin sanang maliitin ang sakripisyo ng mga doktor, eksperto at government workers na bumubuo ng IATF,” pakiusap nito. (CHRISTIAN DALE)
232
