FISH VENDOR SUGATAN SA PAMAMARIL

SUGATAN ang isang fish vendor matapos barilin ng kabarangay sa Malabon City nitong Sabado ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang hita ang biktimang si Alvin Santos, alyas “Negro,” 43, ng Blk. 48F, Lot 18, Phase 3, Brgy. Longos.

Ipinag-utos naman ni Malabon City Police chief, Col. Albert Barot ang pagtugis sa suspek na kinilalang si Jimmy Abaya, 35, ng Blk. 49, Alupihan St., Dagat-Dagatan, Brgy. Longos.

Ayon sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol, naglalakad ang biktima sa Blk. 48, Brgy. Longos dakong alas-1:30 ng madaling araw nang makarinig ito ng putok ng baril kaya’t tumakbo para sa kanyang kaligtasan.

Gayunman, nakita ng biktina na papunta sa kanya ang suspek na agad siyang binaril sa kaliwang hita.

Makaraan ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Sub-Station 5, sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo ngunit hindi nila naaresto ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang positibong motibo sa krimen. (FRANCIS SORIANO)

163

Related posts

Leave a Comment