FRASCO ITINANGGING TATAKBO SA NATIONAL ELECTION

IGINIIT ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na wala siyang ibinigay na pahintulot sa paggamit ng kanyang larawan sa isang magazine na iniuugnay umano ng isang politiko sa self-promotion para sa national elections.

Binigyang-diin ni Frasco na hindi siya tatakbo sa anomang national position kaya walang dahilan upang i-promote ang sarili.

Ito ang paglilinaw ng kalihim sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay forum kaugnay ng mga lumabas na Japanese magazine na tampok ang kanyang imahe.

“I am very visible because I am simply working, nothing else,” ani Frasco. Dagdag pa niya, “The accusations of self-promotion are false… I’m not running.”

Gayunman, naglabas na aniya siya ng direktiba sa regional offices ng DOT na tanggalin ang anomang materyal na may imahe niya at ipatigil ang pag-produce ng promotional materials na nagtatampok sa kanyang mukha.

Hiniling din ng DOT sa local government units na huwag maglagay ng tarpaulin na may larawan ng kalihim.

(JOCELYN DOMENDEN)

3

Related posts

Leave a Comment