BIGTIME OIL PRICE HIKE UMPISA BUKAS   

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY ED CASTRO)

MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Pangungunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunita na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.35 sa kada litro ng gasolina, P0.85 kada litro ng diesel, at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

 

330

Related posts

Leave a Comment