DAGDAG-PRESYO ULIT SA OIL PRODUCTS

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo umaga ng Martes, (Hulyo15).

Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines ,Pilipinas Shell, Petro Gazz, Seaoil, CPI (Caltex), at Phoenix Petroleum Philippines ang pagpapatupad ng dagdag presyo na P1.05 kada litro ng gasoline, P0.70 sa diesel at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng oil price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa kabilang na ang mga malalaking kompanya sa kahalintulad na presyo.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag bawas sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis na dagdag presyong P0.25 kada litro ng gasolina habang nagbawas naman ng P0.40 kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene.

 

 

129

Related posts

Leave a Comment