OVERSEAS ABSENTEE VOTING SUNUD-SUNOD ANG ABERYA

COMELEC-5

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa sunud-sunod na aberya sa Overseas Absentee Voting (OAV), nangangamba ngayon ang mahigit isang milyon nakatalang overseas voters na mababalewala ang kanilang mga boto.

Ito’y matapos mapaulat umano ang pagkakaharang sa Saudi Customs office sa computerized voters list na gagamitin sa Al Khobar, pagkasira ng ilang makina sa France, reklamo ng mga botante sa Singapore, Hong kong at iba pang lugar.

Nagsimula na noong nakaraang linggo ang Overseas Absentee Voting (OAV) at magtatapos sa Mayo 13, 2019

Samantala,  ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, mahigit isang milyon ang nakatalang overseas voters, ngunit mahigit 20 porsyento lang ang aktibong lumalahok sa proseso ng halalan, lalo na kapag midterm elections lamang.

Dagdag pa nito na kanila nang tinutugunan ang mga problema at biniberepika na rin ng poll body ang iba pang report na natanggap ukol sa aberya mula sa iba pang bansa.

95

Related posts

Leave a Comment