SRP SA KAPENG 3-IN-1 ITINAKDA NG DTI

dti12

(NI MAC CABREROS)

ISASAMA na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) sa listahan ng mga produktong lalagyan ng suggested retail price o SRP ang 3-in-1 coffee.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, bukod sa mapo-protektahan ang publiko sa pagsasamantala ng mga negosyante, layon ng pagtakda ng SRP na mapabagal ang inflation o antas ng pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin.

Naiulat na pumalo sa 3.3 porsyento ang inflation nitong Marso na mas mabagal kumpara 3.8 porsyento noong Pebrero.

Samantala, itatampok ni Michael Harris Conlin, kinatawan ng Pilipinas sa World Barista Championship sa Boston ngayong buwan, ang kapeng produkto sa bansa.

Si Conlin ay itinanghal na kampeon sa katatapos lamang na Philippine National Barista Championship sa Mandaluyong City. Siya ang pangulo at CEO ng coffee shop na Henry & Sons.

“This year, as champion of the local leg, we will represent the country in the World Barista Championship in Boston where we will bring the same zeal and expertise. We aim to show that the Philippines is more than capable of creating specialty coffee that can compete in the world stage,” pahayag Conlin.

Napag-alaman na ikatlo bilang producer ng kape sa mundo ang Pilipinas pitong dekada na ang nakararaan. Una at pangalawa ang Brazil at Colombia, ayon sa pagkakasunod. Nitong 2017 ay lumagapak sa ika-27 puwesto ang Pilipinas dahil napabayaan ang coffee industry sa bansa.

Dahil dito, nais ni Conlin na ibalik ang sigla at gawing sustainable ang pagtatanim ng kape sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay suporta o ayuda sa mga magsasaka gaya sa Benguet province.

94

Related posts

Leave a Comment