Go Negosyo 3M on Wheels program dinagsa ng Cavite entrepreneurs

Dumagsa ang nasa 500 kasalukuyan at mga nagnanais maging entrepreneur mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Cavite sa SM City sa Rosario, Cavite para dumalo sa 3M on Wheels program ng Go Negosyo noong Sabado.

Maagang pumila ang mga mentee sa labas ng venue para makakuha ng kailangang payo mula sa mga mentor kung paano magsisimula ng sariling negosyo o kung paano mapapalakas ang kasalukuyang negosyo.

“Seeing the importance of mentoring to the success of our entrepreneurs, we have brought this event to Cavite to help existing and would-be entrepreneurs start or develop their own business,” wika ni Go Negosyo founder Joey Concepcion.

Sa pagbibigay ng tamang gabay at payo, tiwala si Concepcion na aasenso ang kanilang mga negosyo.

Nagbigay naman ng welcome remarks si Go Negosyo mentor at dating Senador Bam Aquino, may-akda ng Go Negosyo Act. Binanggit din niya ang mga pakinabang ng batas sa mga kasalukuyan at mga nagnanais maging, negosyante, gaya ng access sa capital at merkado, at iba pang uri ng suporta,

“Since the enactment of the Go Negosyo Act in 2014, thousands of Negosyo Centers have been established in various parts of country, providing assistance to our micro, small and medium enterprises,” wika ni Aquino.

Nagbigay rin ng espesyal na mensahe sina Rosario Vice Mayor Joanne Michelle Gonzales at Department of Trade and Industry (DTI) Region 4A OIC Assistant Regional Director Revelyn Cortez sa mga dumalo, kung saan binigyang diin nila ang kahalagahan ng mentoring sa pag-unlad ng MSME.

Sa bahagi ng Department of Agriculture, sinabi ni Dr. Rolando Maningas, Center Director ng Agriculture Training Institute-RTC Calabazon, na mayroong ilang agri-business programs ang ahensiya para sa MSMEs.

Ibinahagi naman ni Namieh Oya, content creator at may-ari ng cosmetics at wellness shop na Namiroseus, ang kanyang kaalaman sa mga dumalo kung paano sila magiging influencer ng sarili nilang brand.

202

Related posts

Leave a Comment