CAGAYAN – Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isang tauhan ng vulcanizing shop matapos mauwi sa kamatayan ng motorcycle rider na isang barangay kagawad, ang pagsabog ng gulong ng truck na bino-vulcanize nito sa lalawigan.
Kinilala ang vulcanizing crew na si Edison Garcia, 44-anyos, residente ng bayan ng Camalaniugan ng nasabing lalawigan
Habang ang biktima ay kinilalang si Demi Balianca, 67-anyos, barangy kagawad ng Cullit, Lal-lo, Cagayan.
Ayon kay PCapt. Jessie Alonzo, hepe ng Camalaniugan Police, matinding napinsala ang katawan ng biktima nang sumabog ang gulong ng truck habang nilalagyan ng hangin ni Garcia.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, nagpa-vulcanize ang biktima ng gulong ng kanyang motorsiklo.
Ngunit biglang sumabog ang gulong ng truck na nilalagyan ng hangin ni Garcia na labis na ikinasugat ng biktima na tinamaan ng debris.
Ayon kay PCapt. Alonzo, human error ang dahilan ng insidente dahil sa kapabayaan ang vulcanizer. (JESSE KABEL RUIZ)
