HUMAKOT ng parangal ang Harmonies of Hope Choir ng Mary Mother of the Church Parish sa Barangay Talon Dos matapos tanghaling Grand Champion sa Inter-Parish Chorale Competition sa Las Piñas City.
Pinangunahan ng Villar Foundation ang taunang selebrasyon bilang paggunita kay St. Ezekiel Moreno, patron ng lungsod.
Ginaganap ang kompetisyon sa San Ezekiel Oratory sa loob ng Villar SIPAG Complex, kung saan ipinamalas ng iba’t ibang parokya ang kanilang talento at pananampalataya sa pamamagitan ng musika.
Dumalo sa kaganapan sina Mark Villar at Camille Villar, kasama si Villar Foundation Managing Director at dating senador na si Cynthia Villar.
Nag-uwi ang mga nagwagi ng cash prizes mula ₱10,000 hanggang ₱40,000 bilang pagkilala sa kanilang kahanga-hangang pagtatanghal.
Isang gabi ng musika, debosyon, at pagkakaisa—patunay na buhay na buhay ang kultura at pananampalataya ng mga Las Piñero.
(DANNY BACOLOD)
63 