Hindi pag-anunsyo ng vaccine brand UTOS NI DUTERTE

MISMONG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-utos sa lahat ng Local Goverment Units (LGUs) na iwasan ang paga-anunsyo ng brand ng COVID-19 vaccine brands na gagamitin sa mga inoculation site.

Tugon ito ng Palasyo matapos palagan ang utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng LGUs na tigilan na ang paga-anunsyo ng vaccine brands na naka-iskedyul para sa pamamahagi sa vaccination sites.

“Unang-una, si presidente po ang nag-utos niyan dahil nakita nga po niya iyong kawalan ng social distancing doon sa ilang lugar kung saan in-announce ang pagbabakuna ng Pfizer ‘no. So lahat naman po ng bakuna ay pantay-pantay, dumaan po iyan sa masusing pag-aaral, lahat po iyan ligtas at epektibo. Kaya nga po ang pinakamabuting bakuna iyong ilalagay sa inyong mga braso,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ani Sec. Roque, nauna nang sinabihan ng pangulo ang publiko na hindi sila maaaring makapamili ng vaccine brand na kanilang matatanggap.

Ito’y sa kabila na si Pangulong Duterte ay pumili rin ng bakuna na itinurok sa kanya gaya ng China’s Sinopharm brand dahil iyon umano ang pinili ng kanyang doktor. (CHRISTIAN DALE)

305

Related posts

Leave a Comment