Hirit ni Rep. Defensor para iwas oil spill SAFETY CHECK SA FLOATING POWER PLANTS

ISINUSULONG ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga may-ari ng mga floating power plant na regular na i-check ang kanilang mga planta.
Ito ay upang maiwasang magkaroon muli ng oil spill sa hinaharap tulad ng nangyari sa Iloilo City coastline.

Ang binabanggit ni Defensor ay ang aksidente sa isa sa mga floating power plant ng AC Energy Corp. na nagdulot ng oil spill sa Barangay Barrio Obrero sa Iloilo City kamakailan.

“The Department of Energy and the Philippine Coast Guard should perform extensive and periodic safety checks on all power barges, many of which are rather old and rundown,” Defensor.

“Many of the power barges – including the vessel that accidentally discharged some 268,000 liters of heavy fuel into the waters of Iloilo Strait – were actually acquired by private investors from the state-owned Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) years ago,” ayon pa sa dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang AC Energy Corp. ay may 3 power barges kabilang ang naging dahilan ng oil spill sa sa Iloilo City noong Hulyo 2, 2020 habang ang Aboitiz Power Corp. ay may 6 na power barges.

Dalawa sa mga ito ay naka-deploy sa Barangay San Roque, Maco, Davao De Oro at Barangay Sta. Ana, Nasipit, Agusan del Norte habang ang 4 ay naka-anchor sa Navotas City Fish Port.

Mayroon din aniyang floating power plant ang SPC Power Corp. na nakadeploy naman sa Barangay Tapal, Ubay, Bohol.

Dahil dito, kailangan ang regular na check-up sa mga plantang ito upang maiwasan aniya na magkaroon muli ng aksidente na sisira sa kalikasan at maging sa kabuhayan ng mamamayan lalo na ang mga mangingisda. (BERNARD TAGUINOD)

153

Related posts

Leave a Comment