ILLEGAL GREEN PLATES ISINUKO NG 2 MOTORISTA SA PNP-HPG

ISINUKO ng dalawang motorista sa Philippine National Police-Highway Patrol Group ang illegal green plates na kanilang ginagamit.

Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni HPG chief, PCol. Hansel Maranta, boluntaryong isinuko ang dalawang plaka na mula sa Nissan Terra at Nissan Navara.

Nauna nang nag-viral sa social media ang larawan ng dalawang gasoline powered vehicles na may green plates na para lamang sa hybrid at electric vehicles.

Samantala, napag-alaman naman ng HPG na mayroong mga green plate na ibinebenta sa halagang P15,000 hanggang P30,000.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Office para sa pagsawata sa mga ilegal na gumagamit ng green plate.

Nanawagan naman ang HPG sa mga may hawak ng ilegal na green plate na bumalik na sa kanilang lumang plaka.

(TOTO NABAJA)

77

Related posts

Leave a Comment