Bagong Port Control Office inilunsad BOC-DAVAO TUTOK SA DRUG SMUGGLING

SA hangaring wakasan ang pagpasok ng droga sa ga­wing katimugan ng bansa, isang makabago at pinalakas na Port Control Office (PCO) ang ibinida ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-Davao) kamakailan.

Sa pormal na pasinaya ng BOC-Davao sa “bagong tanggapan,” tiniyak ni District Collector Erastus Sandino Austria na pagtutuunan ng kanyang nasasakupang distrito ang kampanya kontra droga ng administrasyong Marcos.

Kabilang sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta sa makabagong PCO ang mga kinatawan mula sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at World Container Control Program (CCP).

Babala ni Austria, hindi palalampasin ng BOC-Davao ang anomang tangkang pagpupuslit ng droga sa nasabing rehiyon.

Nang tanungin kung ano ang ginagampanang papel ng Container Control Program, ito ang tugon ni Austria: “It seeks to improve risk management, supply chain security, and trade facilitation and prevent the cross-border movement of illicit goods.”

Bukod sa UNODC at CCP, bahagi rin ng naturang pasinaya ang mga opisyal at emisaryo mula sa Philippine Ports Authority, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police Maritime Group, mga Shipping Lines, Chamber of Customs Brokers Inc at Davao International Container Terminal Inc. (JO CALIM)

35

Related posts

Leave a Comment