BAGONG TAKTIKA LABAN SA SMUGGLERS, BINALANGKAS

SA hangaring tuluyang wakasan ang pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng kabi-kabilang smuggling sa katimugang bahagi ng bansa, nagpulong kamakailan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa bago at mas angkop na estratehiyang magbibigay-daan sa mas malusog na kalakalan sa naturang rehiyon.

Sa kumpas ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, nagkasundo ang mga opisyales at kinatawan ng iba’t ibang law enforcement agencies – kasama ang tanggapan ng tagausig – na tiya­king may kalakip na matibay na ebidensya ang bawat kasong isasampa sa husgado laban sa mga smuggler.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga regional director at kinatawan mula sa Department of Justice, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at iba pang katuwang na tanggapan ng pamahalaan.

“The agencies have committed to sync and beef up their anti-smuggling efforts to fulfill President Ferdinand Marcos, Jr.’s agenda of upholding public order, safety, peace, and security and ensuring a level playing field for all businesses,” saad sa isang bahagi ng kalatas ng BOC.
(JO CALIM)

28

Related posts

Leave a Comment