BILANG nakalinya sa kanilang pangako sa regional trade facilitation, nakiisa ang Bureau of Customs (BOC) sa 26th Meeting of the Working Group on Legal and Regulatory Matters for the ASEAN Single Window (ASW-LWG) noong Mayo 23-24, 2023.
Ang pagpupulong ay isinagawa via a virtual conference, kasama ang mga delegado mula ASEAN Member States, kinatawan mula ASEAN Secretariat at ASEAN Single Window (ASW) Project Management Office.
Ang virtual conference ay pinangunahan ni Mr. Muhamad Lukman, Secretary ng Indonesia National Single Window Agency and Chairperson ng ASW-LWG.
Ang mga kilalang delegado mula ASEAN Member States ay nakiisa rin, nagpulong at pinag-usapan ang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa legal and regulatory frameworks sa loob ng ASW regional platform.
Ang pangunahing focus ng pag-uusap ay umikot sa palitan ng e-documents sa Dialogue Partners (DPs) at associated legal framework.
Ang Working Group ay masusing sinuri ang kasalukuyang estado ng potensyal na pagpapalitan ng dokumento sa DPs, pagsasagawa ng isang komprehensibong pag-aanalisa ng mga protocol at mga legal na instrumento.
Karagdagan nito, sa mahahalagang punto ng talakayan ay nakilala, at sumasailalim sa pangako ang lahat ng nakiisang mga bansa para pagyamanin ang kahusayan sa mga nakasanayang kalakalan.
Sa kumperensiya, ang Philippine delegation mula BOC ay kinuha ang oportunidad para ipamahagi ang pananaw ng bansa sa potential legal instruments patungkol sa DPs.
Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo at palitan ng kaalaman, ang ASEAN Member States ay nagkasundo sa pagtatag ng ‘robust and seamless regional trade environment, promoting economic growth and strengthening regional cooperation.’ Ang BOC ay nananatiling mabilis sa pangako sa regional cooperation at patuloy sa aktibong ugnayan sa mga inisyatiba tulad ng ASW-LWG meetings.
Sa pamamagitan ng malakas na pakikipag-ugnayan at pakikinabang sa cutting-edge technologies, ang Bureau of Customs ay nakahanda para sa mas pinahusay na proseso ng kalakalan at mag-aambag sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng ASEAN Member States.
(BOY ANACTA)
