BUO ANG SUPORTA NI BOC COMMISSIONER RUBIO KAY BOC-POS DIST. COLLECTOR TALUSAN

IMBESTIGAHAN NATIN
Ni JOEL O. AMONGO
RAMDAM natin na buo ang suporta ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio sa Port of Subic (POS), sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan.

Bakit kamo? Nitong month-long series of events bilang bahagi ng 30th Founding Anniversary ng Port of Subic, ay sinuportahan ito ni Comm. Rubio.

Sa katunayan, sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng mga aktibidad ng Port of Subic para sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo, ay dinaluhan na agad ito ng hepe ng customs.

Hanggang nitong huling araw, noong Hulyo 14, 2023 na pagtatapos ng month-long series of events, ay dinaluhan pa rin ito ni Rubio.

Natatandaan nating nagsimula ang okasyon noong Hunyo 17, 2023 at ipinagdiwang sa loob ng month-long series of events.

Ito ay nakapokus sa community, personnel training, at pagkilala sa stakeholders at partner agencies.

Nagsimula ang okasyon sa outreach program na pinamagatang “Shoes for a Cause” na isinagawa noong Hunyo 17, 2023. Kasama rito, ang Aeta Community sa Pastolan Village, Olongapo City, Zambales.

Ang iba pang mga aktibidad ay ang “Port of Subic Olympix” na inilunsad sa pamamagitan ni District Collector Talusan noong Hunyo 24, kasama rito, ang Marksmanship Training, Fun Run at Bike Ride.

Pero, bago ang okasyon, isang Marksmanship Training ang isinagawa noong Hunyo 19, 2023 na pinangunahan ni World Shooting Champion Jethro Dionisio at ni Collector Talusan. Galing naman! Mataas ang standard ng Port of Subic.

Kasama sa okasyon ang paggawad ng ‘plaques of appreciation’ sa nangungunang importers at partner agencies.

Siyempre, kailangang bigyan ng pagpupugay at pagkilala ang mga katuwang ng Port of Subic para maabot nila ang kanilang buwanang target sa koleksyon.

Binigyan din ng pagpupugay ang retiring personnel at dating mga district collector ng Port of Subic. Ayos, kumpletos rekados.

Binigyan naman ng mahalagang papel sa anniversary program ang komunidad, ika nga, kapag sama-sama ay malakas tayo.

Nagkaroon din sila ng fitness activities na ang layunin ay para maging malakas ang pangangatawan ng mga empleyado at stakeholders.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Collector Talusan sa lahat ng stakeholders at partners dahil sa kanilang walang humpay na suporta sa Port of Subic.

Pinasalamatan din ni Collector Talusan ang mga nag-organisa ng founding anniversary program na isinagawa ang selebrasyon sa loob ng isang buwan.

Siyempre, hindi makalilimutan ni Ma’am Carmelita na pasalamatan ang kanyang boss na si Commissioner Rubio na buo ang suporta sa kanya.

Kaya naman ngayon, mataas ang morale ng mga empleyado at opisyal ng Port of Subic.
Keep up the good work!

327

Related posts

Leave a Comment