KALAKALAN PH-US, MAS PALALAKASIN

MAS malusog na kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang sini­guro ng Bureau of Customs (BOC) sa bisa ng isang kasunduang nagsusulong ng mga bagong estratehiyang magbibigay-daan sa makabagong kawanihan.

Sa pagbisita kamakailan ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson sa tanggapan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa Maynila, pinaksa ng dalawang opisyal ang pagbalangkas ng plano para sa mas maunlad na import-export trade relationship sa pagitan ng magkaalyadong bansa.

Pasok din sa mga pinag-usapan ng dalawang opisyal ang Export Control and Related Border Security (EXBS) program sa BOC.

Kabilang din sa adyenda ng dalawang opisyal mula sa Amerika at Pilipinas ang angkop na mekanismo sa implementasyon ng trade industry at border security measures.

“The partnership between the Philippine Bureau of Customs and the US Embassy is highly valued, and we are thrilled to collaborate with the EXBS program to achieve our common goals,” saad ni Commissioner Rubio sa isang pahayag. (BOY ANACTA)

376

Related posts

Leave a Comment