KUNG pagbabatayan ang pinakahuling datos ng pamahalaan, nagsisimula nang magbunga ang mga pagsisikap na pabangunin ang ekonomiya.
Sa tala ng Department of Trade and Industry (DTI), pumalo sa 25.4% ang itinaas ng Philippine Total External Merchandise Trade para sa nakalipas na taon, patunay ng pagsigla ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at iba pang mga bansa. Higit na mataas ang nasabing datos kumpara sa 20.1% growth na naitala naman noong 2020.
Kabilang sa nakikitang dahilan ng pagsipa ng eko- nomiya ay ang masiglang kalakalang pinangangasiwaan ng Bureau of Cus-
toms na siyang nangangasiwa ng 17 daungan kung saan pumapasok at lumalabas ang mga kargamento.
Para naman sa BOC, malaking bentahe ang paghupa ng suliraning dala ng pandemya. (JO CALIM)
211