Tao namin, pasahod namin – BOC spox BOC, UMALMA SA SC RULING

PINABULAANAN ng Bureau of Customs (BOC) na inoobliga ng kawanihan ang mga airline companies na balikatin ang overtime pay ng mga empleyado ng naturang ahensya.

Paglilinaw ni Arnaldo Dela Torre na tumatayong tagapagsalita ng kawanihan kaugnay ng lumabas na desisyon ng Kor­te Suprema kamakailan, taong 2012 pa lang ay BOC na ang nagbabayad ng overtime pay ng kanilang mga empleyadong nagtatrabaho ng higit pa sa walong oras.

Partikular na tinukoy ni Dela Torre ang Customs Administrative Order 7-2011 na aniya’y basehan ng BOC sa paglabas ng pondong ginamit na pambayad sa OT pay ng kanilang mga kawaning nakatalaga sa mga paliparan kabilang ang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

“Since the implementation of Customs Administrative Order No. 7-2011, the Bureau of Customs is the one paying the overtime of personnel who rendered work beyond office hours. This is funded by the government. So, the airline has not been paying since 2012,” pahayag ni Dela Torre.

Sa 14 na pahinang kapasyahang inilabas ng Korte Suprema noong nakaraang buwan, binalaan ng mga mahistrado ang kawanihan hinggil sa posibleng paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), kaugnay ng kasong idinulog sa husgado ng BOC Employees Association noong taong 2013 laban kay noo’y Customs Commissioner Rufino Biazon at dating Finance Secretary Cesar Purisima.

38

Related posts

Leave a Comment