ISKO NAPANATILI PANGUNGUNA SA MAYNILA

NANGUNGUNA pa rin si dating Manila mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso sa survey para sa natitirang dalawang linggong kampanya bago ang Eleksyon 2025 sa bansa.

Ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research, napanatili ni Domagoso ang kanyang commanding lead sa karera para sa Manila City Mayor.

Isinagawa ang survey mula April 20 hanggang 23 at nailabas noong Martes, April 29 na nagpapakita na may 63% vote preference si Domagoso sa buong Maynila.

Nauna si Domagoso sa kanyang mga kalaban, kung saan si incumbent Mayor Honey Lacuna ay nagrehistro lamang ng 18% habang 16% naman si Rep. Sam Versoza.

Habang nakakuha lamang si Lacuna ng 3% mula sa dati niyang rating na 15%, ito ay nasa margin of error pa rin na +/-3% ng survey ng OCTA Research. At kahit pagsamahin ang bilang nina Lacuna at Versoza, kulang pa rin sila sa malakas na suporta ni Domagoso.

Nanguna rin si Domagoso sa mayoralty race sa lahat ng anim na distrito ng Maynila.

Sa kanyang kampanya para sa pagbabalik sa Manila City Hall, ipinangako ni Domagoso na ibabalik ang kalinisan, disiplina at kaayusan sa kabiserang lungsod.

Ang mga panawagan para iligtas ang kabisera ng bansa mula sa pagkasira, kaguluhan at krimen ang nagtulak kay Domagoso na tumakbong muli bilang punong ehekutibo ng lungsod.

(JOCELYN DOMENDEN)

85

Related posts

Leave a Comment