Kabuuang kaso pumalo sa 12,038 QC NAGTALA NG 3 NEW COVID DEATHS

MULING nakapagtala ng tatlong bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 ang Quezon City.

Ito ay nagdala ng kabuuang bilang ng pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City sa bilang na 428.

Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin para sa Setyembre 2, ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay 12, 038.

May 301 kasong naidagdag sa 11, 737 noong Setyembre 1 na nagresulta ng kabuuang bilang na 12,038 at ang active COVID-19 cases ng siyudad ay nasa 1, 925.

Ayon pa sa ulat, hanggang noong Setyembre 2, ang QC ay may naiulat na 473 bagong recoveries na nagdala ng kabuuang bilang na mga gumaling sa 9,685.

Sa kabila nito, apat na lang ang mga lugar sa Quezon City ang nananatiling nasa Special Concern Lockdown.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng #55 Serrano Laktaw sa Doña Aurora, #68 Iriga St., sa San Isidro, Labrador, at #5 Col. Salgado sa West Kamias. (JOEL O. AMONGO)

126

Related posts

Leave a Comment