KALIGTASAN NG BAWAT PILIPINO, HANGAD NG ABP PARTY-LIST

PUNA ni JOEL O. AMONGO

IPINARAMDAM ng mga residente ng Pagsanjan, Laguna ang mainit na pagtanggap sa isinagawang proclamation rally ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP #134) Party-list sa nasabing lugar, kasama si dating Governor ER Ejercito kamakailan.

Hindi akalain ng mga taga ABP Party-list ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Pagsanjan.

Siksikan ang mga tao, todo ang sigaw, at solid ang suporta ng mga taga-Pagsanjan sa isinagawang motorcade sa nasabing bayan kasama si Ka-ABP Gov. Ejercito.

Patuloy rin ang pagdami ng mga tumatanggap sa ABP sa iba pang lugar na tulad ng El Nido, Palawan.

Makikitang solid din ang suporta ng mga taga-Palawan sa ABP Party-list sa pangunguna ni 1st Nominee Dr. Jose Antonio “Ka-Pep” Goitia.

Ikinatuwa ng ABP na makita nila na patuloy ang pagdami ng tumatanggap sa kanila sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kung babalikan natin ang history, ang kauna-unahang fire station ng Pilipinas ay itinayo sa Binondo noong 1901 at ang unang hepe nito ay si Hugh Bonner, isang Amerikanong bumbero at siya rin ang tumulong sa pagsasaayos ng unang fire department sa Pilipinas.

Bagama’t mahigit sa isang daang (100) taon na ang lumipas, marami pa rin ang kailangang ayusin sa firefighting system ng bansa.

Ngayon, marami na ang fire stations sa buong bansa, pero marami pa rin ang kulang sa mga kagamitan.

Paano masisigurong ligtas ang bawat pamilya kung hindi sapat ang mga gamit ng ating mga bumbero?

Kaya nais ng ABP Party-list ng mas modernong kagamitan, mas mabilis na responde, mas ligtas na Pilipinas.

Nagparating naman ng taos-pusong pasasalamat ang ABP Party-list sa suporta sa kanila ng mga katutubong Lumad mula sa Agusan del Sur.

Ayon sa ABP, ramdam nila ang tiwala ng mga tao, kaya lalong tumitibay ang kanilang panata na maglingkod at magdala ng kaligtasan kahit sa pinakamalayong komunidad.

Sa bawat miyembro ng mga bumbero na sumusuong sa mga sunog ay nanganganib ang kanilang buhay para naman magligtas ng buhay ng ibang tao na nasusunugan.

Habang ginagampanan nila ang kanilang trabaho ay dala nila ang tapang at malasakit.

Sa ABP Party-list, ito ang serbisyong buong puso para sa mas ligtas na Pilipinas.

Makaraan ang LPG explosion sa Rizal kamakailan, pinayuhan ng Ang Bumbero ng Pilipinas ang sambayanan na maging handa at maging alerto.

Dahil sa nangyaring pagsabog ng LPG, kailangang kumilos at maging handa ang bawat Pilipino.

Kapag may tumagas o nagliyab na LPG, manatiling kalmado, iwasang gumamit ng tubig, takpan ng basang tuwalya o kumot kung may apoy, isara agad ang gas kung ligtas itong lapitan, tumawag agad sa hotline, at lumayo agad kung hindi na ligtas ang sitwasyon.

oOo

Para sa reklamo at reaksyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

48

Related posts

Leave a Comment