KASO NG COVID-19 SUMIPA SA 307 NGAYONG SABADO

MAY 77 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 ang naitala ng Department of Health

(DOH) ngayong Sabado.
Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario

Vergeire na naitala ang naturang bilang hanggang 4:00 ng hapon.

Dahil aniya sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 307 ang confirmed COVID-19

cases sa bansa mula sa dating 230 lang nitong Biyernes.
Ang mga pasyente ay binigyan ng patient ID number na PH231 to PH307.

Kinumpirma rin ni Vergeire na nadagdagan ng isa ang mga pasyenteng namatay sa sakit

kaya umabot na sa 19 ang bilang nito ngayon.
Umakyat din sa 13 ang mga pasyenteng nakarekober mula sa karamdaman. DAHLIA ANIN

382

Related posts

Leave a Comment