Kinumpirma ni Sotto PARTY-LIST SYSTEM, TARGET NI DUTERTE SA CONSTITUTIONAL AMENDMENTS

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang pagbuwag sa mga party-list na sumusuporta sa mga rebeldeng grupo ang target ng isinusulong na panukala para sa pag-convene ng Kongreso bilang constituent assembly.

Nilinaw rin ni Sotto na wala sa intensyon ng pangulo ang anomang probisyon ng term limit.

Isinalaysay ni Sotto na nang magkaroon sila ng pagpupulong sa Malakanyang kasama ang ilang kongresista at senador, inirekomenda ni Duterte ang pagbuwag sa party-list system.

“Sinabi niya (Duterte) ‘I want this problem of the CPP-NPA solved and the best way is we remove the party-list system or change it in the constitution,'” kwento ni Sotto.

“Samantalahin niyo na, you can amend the economic provisions,'” dugtong nito na tumutukoy pa sa pahayag ng pangulo.

“Nabanggit lang ng Presidente na ‘I hope you will be able to solve this problem of the party-list. I hope I don’t need to use military action,” dagdag nito.

Aminado naman si Sotto na kung party-list system lamang ang nais baguhin ay hindi na kakailangin pa ng charter change at sa halip ay maaari itong gawin sa pamamagitan ng isang batas.

“There are members who will say na dangerous to open [ang Constitution] suddenly dahil baka may ibang agenda na ipasok,” aniya.

“Amend the law. Limit it to talagang marginalized,” diin ni Sotto.

“May nag-suggest na kapag ikaw ay nilalaban mo na ibagsak ang gobyerno, dapat disqualified ka. Kung gusto mong ibagsak ang gobyerno, dapat hindi puwede party niyo,” dagdag nito.

Maging ang lider ng Senado ay duda na magtatagumpay ang Cha-Cha sa halos dalawang taon na lamang na nalalabi sa kasalukuyang administrasyon.

“I’ve always had apprehensions when it comes to Cha-Cha as in charter change. Mas naniniwala ako na ang kailangan natin ay ibang cha-cha, character change,” diin nito.

“But I live by consensus so I will leave it to the members of the majority kung ano ang napupusuan nila. They have their opinion, I have mine,” giit pa ng senador.(DANG SAMSON-GARCIA)

115

Related posts

Leave a Comment