Nalagpasan ng Port of Davao ang kanilang target collection para sa buwan ng Mayo.
Lumampas ng P93,947,362.31 ang koleksyon ng Bureau of Customs Port of Davao para sa buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Sa inilabas na report ng Port of Davao, nakakolekta sila ng kabuuang P2,572,737,362.31 para sa buwan ng Mayo ng mula sa kanilang target na P2,478,790,000.00, ito’y sobra ng P93,947,362.31.
Nauna na ring nakapagtala ng mataas na monthly collection target ang limang ports sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Port of Cagayan de Oro, Iloilo, Cebu, Subic at San Fernando, La Union.
Ang Port of Subic ay nakapagtala ng actual collection na P3,161,373,353.18 kumpara sa P1,969,000,000.00 at ang positibong lagpas ay P1,192,373,353.18 o katumbas ng 60.56%.
Pumangalawa ang Port of Iloilo na may actual collection revenue na P959,674,585.22, target ay P809,886,523.61 at lagpas ng P149,788,061.61 o katumbas ng 18.49%.
Pangatlo ang Port of San Fernando, La Union na may actual collection na P413,363,563.00, target ay P365,490,000.00 lagpas ng P47,873,563.00 o 13.10%.
Sinundan ng Port of Cebu na may total collection na P3,062,683,982.69 mula sa kanilang target na P2,939,270,000.00 sobra o lagpas ito ng P123,413,982.69 o 4.20%;
Samantala, ang Port of Cagayan de Oro, ay may actual collection na P2,809,961,851.00, mula naman sa target na P2,510,035,000.00 lagpas ng P299,926,851.00. (Joel O. Amongo)
