KOLEKSYON NG PORT OF DAVAO SUMIRIT

Port of Davao-1

Nalagpasan ng Port of Davao  ang kanilang target collection para sa  buwan ng Mayo.

Lumampas ng P93,947,362.31 ang kolek­syon ng Bureau of Customs Port of Davao para sa buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Sa inilabas na report ng Port of Davao, nakakolekta  sila ng kabuuang P2,572,737,362.31   para  sa buwan ng Mayo ng mula sa kanilang target na P2,478,790,000.00, ito’y sob­ra ng P93,947,362.31.

Nauna na ring nakapagtala ng mataas na monthly collection target ang limang ports sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Port of Cagayan de Oro, Iloilo, Cebu, Subic at San Fernando, La Union.

Ang Port of Su­bic ay nakapagtala ng actual collection na P3,161,373,353.18 kum­para sa P1,969,000,000.00  at ang positibong lagpas ay P1,192,373,353.18 o katumbas ng 60.56%.

Pumangalawa ang Port of Iloilo na may actual collection revenue na P959,674,585.22, target  ay P809,886,523.61 at lagpas ng P149,788,061.61 o katumbas ng 18.49%.

Pangatlo ang Port of San Fernando, La Union na may  actual collection na P413,363,563.00, target ay  P365,490,000.00 lagpas ng P47,873,563.00 o 13.10%.

Sinundan ng Port of Cebu  na may total collection na  P3,062,683,982.69  mula sa kanilang target na P2,939,270,000.00 sobra  o lagpas ito ng P123,413,982.69 o 4.20%;

Samantala, ang Port of Cagayan de Oro, ay may actual collection na P2,809,961,851.00, mula naman sa target  na P2,510,035,000.00 lagpas ng  P299,926,851.00. (Joel O. Amongo)

313

Related posts

Leave a Comment