KUMPANYANG MAGHA-HIRE NG LOCAL RESIDENTS PINABIBIGYAN NG INSENTIBO

IMINUNGKAHI ni Alyansa senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na magbigay ng insentibo sa mga kumpanyang magbibigay ng trabaho sa mga lokal na residente.

Aniya, ito ay lilikha ng mas maraming trabaho at magpapalago sa lokal na ekonomiya ng mga “bedroom communities,” o mga lokalidad na malapit sa Metro Manila na karamihan sa mga residente ay nagtatrabaho sa Metro Manila.

Ipinaliwanag niyang makikinabang dito ang San Jose del Monte, Bulacan, at iba pang katulad na lokalidad kung saan araw-araw bumibyahe papuntang Metro Manila ang maraming residente.

Isa rin aniya itong solusyon sa trapik na nararanasan sa Metro Manila.

Inilahad ni Mayor Binay ang panukalang insentibo sa local hiring sa campaign stop ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa San Jose del Monte. (JESSE KABEL RUIZ)

35

Related posts

Leave a Comment