LASING NA LOLO NA-TRAP SA SUNOG, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 70-anyos na lolo nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay dahil sa kalasingan sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si alyas “Eduard” ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:38 ng madaling araw nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Ramirez compound, Brgy. Buhay na Tubig, at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Tinatayang 19 na pamilya ang nawalan ng tirahan na kinabibilangan ng 55 na indibidwal at isang casualty.

Base sa report, lasing umano ang biktima kaya hindi nakalabas ng inuupahan niyang bahay.

Bandang ala-1:18 ng madaling araw nang ideklarang fire-out ang sunog na sinasabing sanhi ng electrical faulty wiring.

(SIGFRED ADSUARA)

174

Related posts

Leave a Comment