DRIVER SUGATAN SA KARAMBOLA NG 2 TRUCK AT BUS

QUEZON – Nasugatan ang isang driver ng truck matapos na ang minamaneho nito at ang isa pang bus ay maatrasan ng kanilang sinusundang isa namang cargo crane truck sa Quirino highway, Brgy. San Francisco, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng Tagkawayan Police, nangyari ang insidente dakong alas-4:15 ng umaga habang ang isang cargo crane truck na minamaneho ni Michael Balisi, 43, ay bumabaybay sa paakyat na kurbadang bahagi ng kalsada patungong Bicol.

Kinapos umano ang makina ng truck at bigla na lang itong huminto at umatras, hanggang sa nabangga nito ang unahang bahagi ng kasunod na DLTB bus.

Dahil sa impact, umatras din ang bus at napunta sa gilid ng kalsada.

Patuloy pa ring umatras ang cargo crane truck hanggang sa mabangga naman nito ang kaliwang bahagi ng nasa hulihan din na aluminum wing van truck.

Agad isinugod sa Ma. L. Eleazar General Hospital sa Tagkawayan, Quezon ang driver ng wing van truck na nasugatan sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

108

Related posts

Leave a Comment